Nagsagawa kamakailan ang DSWD Eastern Visayas at ang lokal na pamahalaan ng Barugo, Leyte ng training para sa Camp Coordination, Camp Management, Internally Displaced Persons Protection and Training on Logistics Management (Transportation & Warehousing). Pinangunahan ng Disaster Response Management Division ng DSWD ang nasabing training, kung saan nagbahagi ang ahensya ng kaalaman at karanasan nito sa tamang pangangasiwa ng evacuation centers, at ang pangagalaga sa mga Internally Displaced Persons, o ang mga nagsilikas dahil sa mga sakuna. Dumalo sa nasabing training ang mga kawani ng LGU, kasama ang mga first responders at mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)

Bilang bahagi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), isa sa mga tungkulin ng DSWD ang pagbabahagi ng Technical Assistance, katulad ng training na ito, para sa mga Local Government Units at iba pang partners at stakeholders na nagnanais na maging mas handa sa pagharap sa mga sakuna.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

📸DRMD