TINGNAN: Sinimulan na ng DSWD Field Office VIII ang second wave distribution ng family food packs (FFPs) sa mga naapektuhan ng Shear Line sa Arteche, Eastern, Samar noong December 6, 2023.

Umabot na sa 8, 145 FFPs ang naipaabot sa nasabing lugar. Sa pinakahuling tala, 236, 791 FFPs na ang naipaabot sa mga apektadong lokal na pamahalaan sa rehiyon.

Una nang nagbigay ng direktiba si Secretary Rex Gatchalian na dagdagan ang suplay ng FFPs sa mga apektado, kung kaya’t patuloy ang ginagawang relief operations ng ahensya.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD