Nagpapatuloy ang DSWD Eastern Visayas sa pamamahagi ng Emergency Cash Transfer sa Northern Samar. Sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang ahensya ng P41,192,000 sa 13,550 na mga pamilya sa nasabing probinsya. Sa bilang na ito, 8,616 ang nakatanggap sa Lavezares, habang 4,934 naman ang ang nakatanggap sa San Jose.

Ang Emergency Cash Transfer (ECT) ay tulong pinansyal para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha na dulot ng shearline noong Nobyembre. Alinsunod sa direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, magpapatuloy ang distribusyon ng nasabing ayuda upang masigurado ang early recovery at rehabilitation ng mga apektadong pamilya.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD