TINGNAN: Mahigit 2,000 benepisyaryo mula sa Eastern Samar, Samar, at Southern Leyte ang nakatanggap ng Php3,750.00 bawat isa sa isinagawang Cash-For-Work Payout sa ilalim ng Risk Resiliency Program – Climate Change Adaptation and Mitigation (RRP-CCAM). Ang halagang ito ay kapalit ng kanilang sampung araw na partisipasyon sa mga aktibidad at proyekto laban sa epekto ng Climate Change. Ang DSWD Field Office VIII ay naglaan ng mahigit Php11M para sa naturang payout.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

#rrpccam