Totoo sa katagang #BawatBuhayMahalagasaDSWD, masayang sinalubong at ipinagdiwang ang Pasko para sa mga residente ng apat (4) na center sa rehiyon, ngayong araw, Disyembre 25, 2023.

Ayon sa direktiba ni Secretary Rex Gatchalian, pinangunahan ni Regional Director Grace Subong at center heads ang selebrasyon bilang bahagi ng mapagkalingang serbisyo ng DSWD sa bulnerableng sektor lalo na ang nasa kalinga ng CRCF.

Masayang salu-salo, gift-giving, palaro at pagpapamalas ng mga talento ang nagbigay kulay sa masayang selebrasyong eto.

Ang mga center o CRCF ay programa ng DSWD na nagsisilbing ligtas na tahanan para sa mga bulnerable at disadvantaged na mga kabataan, kababaihan, senior citizens, persons with disability, at iba pang mga indibidwal at pamilyang dumaranas ng krisis.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD