Aabot sa 48 pamilyang naapektuhan ng sunog kamakailan sa Cogon, Ormoc City ang agad na nakatanggap ng tulong mula sa DSWD Field Office VIII. Naipamahagi ng ahensya ang tig-tatatlong family food packs at tig-iisang bottled water, kasama na ang iba’t ibang non-food items tulad ng hygiene kits, kitchen kits, family kits, at sleeping kits. Sa kabuuan, 144 FFPs, 192 NFIs, at 48 boteng tubig ang naipaabot ng ahensya sa mga pamilyang pansamantalang nananatili sa Cogon Covered Court, na nagsilbing evacuation center.

Patuloy naman ang koordinasyon ng DSWD sa lokal na pamahalaan ng Ormoc City para sa iba pang mga hakbang at posibleng tulong o assistance.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD