Ang Department of Social Welfare and Development Field Office VIII, sa ilalim ng Centenarian Program ay malugod na iginawad ang centenarian privilege sa pangalawang sentenaryo ngayong taong 2024 sa bayan ng Hilongos, Probinsya ng Leyte kahapon, ika-19 ng Pebrero, 2024.

Si Lola Lucia ay ang ikatlong centenarian mula sa nasabing bayan. Iginawad sa kanya ang cash incentive na nagkakahalagang Php100,000.00 at liham ng pagbati mula kay Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kaugnay nito, iginawad din sa kanya ang Php20,000.00 na cash gift mula sa Lokal na Pamahalaan ng Hilongos sa pangunguna ni Municipal Mayor Manuel Villahermosa.

Isa lamang si Lola Lucia sa 80 na centenarian sa buong Eastern Visayas na nakatakdang gawaran ng parehong pribilehiyo ngayong taon.

Inaanyayahan naman ng ahensya ang iba pang senior citizens at sa mga pamilya nito sa buong rehiyon na nakatakdang sumapit sa kanilang isang daang taon na direktang makipag-ugnayan sa kanilang mga City o Municipal Social Welfare and Development Offices (C/MSWDOs) upang ma-proseso ang aplikasyon.

Ang Centenarian Program ay isang programa ng DSWD na naglalayong mabigyang pagkilala ang mga Pilipinong senior citizens na umabot sa 100 na taong gulang saan mang bahagi ng Pilipinas.

#BawatBuhayMahalagasaDSWD