Nagpaabot kamakailan ang DSWD Field Office VIII ng food and non-food items sa 80 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Himalandrog (Seven Hills) Calbayog City, Samar. Aabot sa 200 family food packs (FFPs), 280 non-food items (sleeping kits, kitchen kits, family kits, hygiene kits) at 70 boteng distilled water ang naipaabot ng ahensya.

Bukod dito, nabigyan din ng cash assistance na nagkakahalagang P10,000.00 sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ang 70 pamilya. Sa kabuuan, nakapamahagi ang ahensya ng P1,263,160.00 na relief aid.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD