IN PHOTOS: Nagsagawa ang DSWD Field Office VIII ng Financial Literacy cum Procurement Training para sa Cacao Farmers Association sa Brgy. Cacao, Hilongos, Leyte kahapon, Pebrero 13, 2024.

Pinangunahan ni Sustainable Livelihood Program (SLP) Project Development Officer Hazel May De La Torre kasama sina Elton Miralles at Jeraldin Lopez ang nasabing aktibidad.

Layunin ng pagsasanay na ito na mabigyan ng kaalaman at kasanayan ang miyembro ng asosasyon kaugnay sa pamamahala ng kanilang financial resources at sa proseso ng procurement bago ipatupad ang kanilang napiling livelihood project. 🌱