DSWD Field Office VIII nakatanggap ng parangal mula sa National Program on Awards and Incentives for Service Excellence o PRAISE Awards na ginanap sa Landbank Plaza DM Hall, Malate, Manila.

Binigyang parangal at pagkilala ang Social Marketing Unit (SMU) ng DSWD Field Office VIII bilang Pusong may Malasakit sa Larangan ng Pampublikong Impormasyon noong Pebrero 06, 2024 kasabay sa selebrasyon ng ika 73rd DSWD Founding Anniversary at 2023 PRAISE Awards Rites.

Ang parangal na ito ay iginawad bilang mahusay na paggamit ng kaalaman at kakayahan upang makapaghatid ng mga komprehensibo, epektibong komunikasyon, mga social marketing campaigns at initiatives na nakatulong sa pagtatamo ng mga strategic priorities ng kagawaran.

Natanggap din ng ahensya ang Special Citations on Kaisa Para sa Kapayapaan para sa Sustainable Livelihood Program. Ang parangal na ito ay ipinagkaloob bilang matagumpay na naisulong ang kapayapaan at nagresulta sa mga positibong epekto sa mga programang pangkapayapaan at pagpapaunlad ng Departamento (Payapa at Masaganang Pamayanan [PAMANA], tulong sa mga dating rebelde, social services sa conflict-affected at vulnerable areas.

Naging finalist naman ang Disaster Response and Management Division para sa kategoryang Best Operations Office.

Ang lahat ng parangal at pagkilalang nakamit ay sumisimbolo sa matagumpay na pagpapatupad ng mga programa ng ahensya at pagbibigay ng maagap at mapagkalingang serbisyo sa mga nangangailangang sektor.

Congratulations DSWD Eastern Visayas! 👏

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD