KALAHI-CIDSS sa Rehiyon Otso nagsagawa ng payout sa 425 na mga benepesiyaryo sa ilalim ng Cash-for-Work for College Graduates Program

Nagsagawa ng payout ang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o KALAHI-CIDSS sa 425 beneficiaries nito sa ilalim ng Cash-for-Work for College Graduates Program. Ito ay isinagawa sa Eastern Visayas State University – Tacloban Campus.

Ang payout na ito ay may patungkol sa naakumulang sahod ng mga benepesiyaryo alinsunod sa mga araw na kanilang pinagtrabahuan nuong Disyembre, 2023.

Matatandaang mga college graduates sa taong 2022-2023 ng nasabing unibersidad ang napiling magiging benepesiyaryo ng programang ito.

“We are thankful for this program kasi parang eye opener ito para sa amin kung ano talaga ang realidad kung makapagtrabaho na kami.” Wika ni Ma. Luzvylle A. Lumber, isang graduate ng Bachelor of Science in Nutrition and Dietetics, at inatasan sa DSWD Field Office VIII RPMO.

Nagsagawa rin ng assembly ang ating mga Angels in Red Vests kung saan tinalakay ang mga samu’t-saring impormasyon na dapat malaman ng mga benepesiyaryo.

Nakapaloob naman sa 90 na araw ang employment timeframe ng mga benepesiyaryo ng Cash-for-Work Program kung saan minimum wage ang kanilang kinikita sa iba’t-ibang tanggapan ng DSWD sa Rehiyon Otso at mga opisina na malapit sa kanilang tinitirahan.

#MagKalahiTayoPilipinas

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD