Tingnan: KALAHI-CIDSS sa Rehiyon Otso, nagsagawa ng Turn-over Ceremony sa dalawang Community Sub-projects sa Carigara, Leyte

Nagsagawa ng turn-over ceremony ng community sub-projects ang KALAHI-CIDSS sa bayan ng Carigara, Leyte, partikular sa mga barangay ng Guindapunan at Upper Hiraan. Ang mga sub-projects na ito ay Improvement of Drainage Canal sa ilalim ng Phase 1 Implementation ng programa.

Sa barangay ng Guindapunan, umabot sa Php 716,710.00 ang total cost ng kanilang sub-project. Kalakip dito ang Php 565,325.00 na KALAHI-CIDSS Grant, Php 141,331.00 na cash mula sa BLGU LCC, Php 5,254.00 na in-kind cash, at Php 4,800.00 na community in-kind. Umabot sa 64 na araw ang timeframe ng sub-project na ito.

Sa barangay naman ng Upper Hiraan, umabot sa Php 584,904.00 ang total cost ng kanilang sub-project. Kalakip dito ang Php 461,383.00 na KALAHI-CIDSS grant, Php 115,346.00 na cash mula sa BLGU LCC, Php 3,375.00 na in-kind cash, at Php 4,800.00 na Community in-kind. Umabot naman sa 57 na araw ang timeframe ng sub-project na ito.

Produkto ang Improvement of Drainage Canal sub-projects na ito ng pinagsama-samang partisipasyon ng mga community members sa Carigara, Leyte.

#MagKalahiTayoPilipinas

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD