Sa pangunguna ng Area Coordinating Team (ACT) ng Palo, Leyte at buong pwersang suporta ng Local Government Unit (LGU) ng nasabing munisipyo, inilunsad ang pagkakaroon ng Phase 2 Implementation ng KALAHI-CIDSS National Community-Driven Development Program- Additional Financing sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Meeting/ Municipal Orientation.

Ito ay para sa pagpapatuloy ng implementasyon ng programa sa Palo kung saan nakatakdang ipatupad ito sa 33 na mga barangay nito.

Kasama rin sa nasabing aktibidad ang mga Barangay Development Council-Technical Working Group (BDC-TWG) chairpersons na siyang kinatawan ng mga aktibong community volunteers ng programa.

Inaasahan ang sunod-sunod na pagkakaroon ng mga aktibidad sa munisipyo at mga barangay bilang suporta sa proseso ng pagpapatupad ng programa hanggang Mayo ngayong taon.

#MagKalahiTayoPilipinas

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD