Bilang bahagi ng prinsipyo ng Community-Driven Development o CDD na ipinatutupad ng KALAHI-CIDSS sa mga komunidad, nagsagawa ng Project Development Workshop para sa Phase 2 Implementation ng KALAHI-CIDSS NCDDP- Additional Financing sa Barugo, Leyte sa pangunguna ng Municipal at Area Coordinating Teams nito noong February 16-17, 2024.

Ito ay dinaluhan ng mga miyembro ng Project Preparation Teams at mga Barangay-Development Council- Technical Working Group Chairpersons (BDC-TWG) bilang paunang preparasyon sa pagpapatupad ng kanilang mga proyekto sa kani-kanilang mga barangay.

Layunin nitong mabigyang-kapasidad ang mga community volunteers sa mga aspeto ng pagpaplano at pagsasakatuparan ng mga sub-projects na tutugon sa mga suliraning kanilang natukoy sa kani-kanilang mga pamayanan. Ito ay isang elemento ng CDD na nagbibigay-boses sa mga mamamayan na makiisa sa mga usaping pag-unlad ng kanilang lugar.

Inaasahan ang patuloy na pagsasagawa ng iba pang mga aktibidad sa nasabing munisipyo bilang suporta sa implementasyon ng programa.

#MagKalahiTayoPilipinas

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD