Para sa mas pinagtibay na pagbibigay ng maagap at mapagkalingang serbisyo sa mga benepisyaryo nito, nagkaroon ng Leadership and Competency Assessment and Staff Development ang KALAHI-CIDSS Southern Leyte Cluster kasama ang mga Area Coordinating Teams nito sa probinsya. Ito ay isinagawa sa pangunguna ng Monitoring and Technical Assistance (MATA) Team ng Southern Leyte na binubuo ng Administrative, Capacity Building, Engineering, Finance, Monitoring and Evaluation (M&E), Social Development, at Procurement sectors ng Regional Program Management Office (RPMO).

Bukod sa pagpapalawak ng mga kalinangan at kakayahan ng ACTs, binigyang diin rin sa aktibidad na ito ang mga updates mula sa iba’t ibang mga sector ng programa, Key Performace Indicators (KPIs), at mga inisyatibo na makatutulong sa implementasyon ng KALAHI-CIDSS.

Ang Area Coordinating Teams ng programa ay binubuo ng mga Area Coordinators, Technical Facilitators, Municipal Financial Analysts, at Community Empowerment Facilitators.

#MagKalahiTayoPilipinas

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD