Patuloy ang pagpapalaganap ng Community-Driven Development sa bawat komunidad ng Rehiyon Otso sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga sub-projects na ipinatutupad ng mga mismong community volunteers kasangga ang lokal na pamahalaan ng barangay at munisipyo.

Kaugnay nito, nagkaroon ng Turn-over Ceremony para sa Concreting of Pathway with Riprap na Community Sub-Project ng Sitio Calapayan, Brgy. San Jose, San Isidro, Leyte. Ito ay dinaluhan ng mga opisyal ng Barangay at Municipal LGUs, community volunteers, at ang mga Municipal/Area Coordinating Team ng San Isidro.

Tinatayang aabot sa Php 1,177,472 ang halaga ng nasabing 90-meter na subproject na siyang makatutulong sa pang-araw-araw na pamumuhay at pangkabuhayan ng nasabing lugar. Ito rin ay magsisilbing proteksyon ng komunidad sa panahon ng pagbaha o paagguho ng lupa dulot ng matinding pag-ulan o pagbaha.

Dahil sa sama-samang pagsusumikap ng bawat miyembro ng komunidad, sama-sama rin nilang makakamit ang pagbabago sa kanilang komunidad.

#MagKalahiTayoPilipinas

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD