Alinsunod sa Pilot Implementation ng Community Generative Actions for Reformative Development and Ending Poverty and Hunger o Community GARDEN PH sa rehiyon, nagsagawa ng Baselining Activity ang DSWD Field Office VIII sa Brgy. Lukay, San Miguel, Leyte upang mas mapagtibay ang implementasyon ng nasabing programa ngayong araw, February 6, 2024.

Nakatanggap ng cash incentives sa halagang Php 7,300 ang 23 na mga piling benepisyaryo nito. Sila rin ay nagkaroon ng Technical Assistance (TA Sessions) at Planning Workshop kasama ang LGU partners na kasangga ng programa sa implementasyon nito sa nasabing komunidad.

Ito ay dinaluhan ng mga kawani ng ahensiya mula sa DSWD Social Technology Bureau at DSWD Field Office VIII Social Technology Unit.

Ang Community Garden PH ay isang uri ng community-based project na isinasakatuparan sa mga rural at urban na lugar na hango ang konspeto sa mga prinsipyo ng Saemaul Undong (SMU) o New Village Movement Model of Korea– diligence, self-help and cooperation– mga uri ng pagpapahalaga na hinuhubog sa mga benepisyaryo nito.

Inaasahang magpapatuloy ang programa sa bayan ng San Miguel hanggang Mayo ngayong taon.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD