Nagpapatuloy ang DSWD Eastern Visayas sa pamamahagi ng Emergency Cash Transfer sa Northern Samar. Sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang ahensya ng P102,314,240.00 sa 33,656 na mga pamilya sa bayan ng Lavezares, San Jose, Palapag, Allen, Gamay at Lapinig Northern Samar.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang ECT pay-out sa iba pang bayan ng nasabing probinsya.

Ang Emergency Cash Transfer (ECT) ay tulong pinansyal para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha na dulot ng shearline noong Nobyembre. Alinsunod sa direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, magpapatuloy ang distribusyon ng nasabing ayuda upang masigurado ang early recovery at rehabilitation ng mga apektadong pamilya.

Maaaring makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para sa schedule ng ECT distribution sa inyong lugar.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD