Nagpapatuloy ang DSWD Eastern Visayas sa pamamahagi ng Emergency Cash Transfer sa Northern Samar. Sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang ahensya ng Php 46,463,360.00 sa 15,284 pamilya sa bayan ng Lavezares, San Jose at Palapag.

Ang Emergency Cash Transfer (ECT) ay isang adaptive na pamamaraan ng DSWD sa pagtutugma ng agwat sa pagitan ng agarang disaster relief, humanitarian response, at early recovery support sa mga sakuna at emerhensiya sa pamamagitan ng pagbibigay tulong pinansyal sa mga pamilyang naapektuhan ng sakuna o kalamidad kabilang ang mga bahay na bahagyang at ganap na nasira.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para sa schedule ng ECT distribution sa inyong lugar.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD