BASAHIN: Narito ang pahayag ni Dea Rose B. Laurente nang tanungin kung ano ang kaniyang mensahe ukol sa Cash-for-Work for College Graduates Program ng DSWD Field Office VIII sa ilalim ng KALAHI-CIDSS program

“Sana magpadayun pa ini nga iyo programa [Cash-for-Work for College Graduates]. Dako ini nga bulig especially ha mga fresh graduate na parehas ha akon nga nangangailangan hin mga experience or trainings. Na e-enhance din namon it amon mga skills. So, thank you, nga nagka may-ada kamo hin sugad hini kay para mayda liwat namon ibutang ha amon mga résumé.”

“Sana magpatuloy pa ang inyong programa [Cash-for-Work for College Graduates]. Malaki itong tulong lalo na sa aming mga fresh graduate katulad ko na nangangailangan ng mga experience o trainings. Na e-enhance rin namin ang aming mga skills. Kaya, thank you, dahil nagkaroon kayo ng ganitong [programa] para may ilagay din kami sa aming mga résumé.”

Si Laurente ay nakapagtapos ng Culinary Arts sa Eastern Visayas State University – Main Campus, kung saan ang mga college graduates ng taong 2022-2023 ng nasabing unibersidad ang naging benepesiyaryo ng programang ito. Siya ay kasalukuyang naka-assign sa Accounting Office sa munisipyo ng Babatngon, Leyte.

Pagbibigay-boses sa mga kabataan ang isa sa mga layunin ng KALAHI-CIDSS at DSWD Field Office VIII, kung kaya’t binibigyang halaga ng ahensiya ang iba’t-ibang sangay ng ating lipunan.

#MagKalahiTayoPilipinas
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD