Patuloy ang DSWD Eastern Visayas sa pamamahagi ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa Northern Samar. Sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang DSWD ng P124,895,360 sa 41,084 na mga benepisaryo mula sa 10 na mga munisipiyo sa Northern Samar. Kabilang dito ang Allen, Bobon, Gamay, Lapinig, Lavezares, Lope de Vega, Mapanas, Palapag, Rosario, at San Jose.

Ang Emergency Cash Transfer (ECT) ay tulong pinansyal para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha na dulot ng shearline noong Nobyembre. Alinsunod sa direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, magpapatuloy ang distribusyon ng nasabing ayuda upang masigurado ang early recovery at rehabilitation ng mga apektadong pamilya.

Nagpapatuloy naman ang DSWD sa pamamahagi nitong ayuda sa iba pang mga munisipyo sa nasabing probinsya. Maaaring makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para sa schedule ng distribution sa inyong lugar.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

📸 DRMD, N. Samar SFO