Frequently asked questions/trivia:

QuestionsAnswers
Ano po ba ang Thunderstorm?Ito ay local scale weather system, ibig sabihin masamang panahon sa maliit na lugar at panandalian lang, na maaring magdala ng mabigat na buhos ng ulan, malakas na hangin at may kasama pang pagkulog at pagkidlat. Ang isang thunderstorm ay maaring magtagal sa loob ng 2 oras.
Ano po ba ang Tornado?Ang tornado ay ang malakas na pag-ikot ng hangin na galling sa isang severe thunderstorm na maaring magdala ng hangin na hihigit sa 400 km/hr. Ito ay kadalasan nabubuo sa isang patag na lugar na maaring umabot ng 2 milya at nagtatagal ng hanggang 30 minuto. Ang pinsala dulot ng tornado ay doon lamang sa mga lugar na dadaan nito.
Ano po ba ang hail?Ang hail ay yelo na bumabagsak galling sa isang severe thunderstorm. Nabubuo ang hail kapag masyadong mainit ang isang lugar na magdudulot ng pagtaas ng mga water vapor na maaring lumagpas sa tinatwag na freezing level kung saan ang mga water vapor ay pwedeng magfreeze at maging isang yelo. Kapag marami nang yelo na sa itaas ng isang thunderstorm clouds ito ay bumabagsak sa lupa bilang isang hail. Ang hail ay bumabagsak sa bilis na mahigit 100 kph.
Ano po ba ang ITCZ?Ang ITCZ o Intertropical Convergence Zone ay ang lugar kung saan ang hangin ng Northern Hemisphere at Southern Hemisphere ay nagtatagpo na nagdudulot ng mga sama ng panahon tulad ng mga LPA at Bagyo.
Ano po ba ang bagyo?Ang Bagyo ay isang malawakang weather system na mula 150 km ang radius o at least 300 km ang lawak nito nagdadala ng mga malakas na hangin at mabigat na buhos ng ulan. Ito namamataan dahil pag-ikot ng mga ulap o meron nang circulation.
Ano po ba ang PAR?Ang PAR o Philippine Area of Responsibility ay ang lugar na itinakda ng World Meteorological Organization (WMO) sa PAGASA upang bantayan at magbigay ng impormasyon tungkol sa pamumuo ng sama ng panahon tulad ng Bagyo sa local na lugar at sa internasyunal.
Anu-ano ang classification o kategorya ng bagyo?Ang isang bagyo o TROPICAL CYCLONE ay inuuri ayon sa lakas at maximum sustained winds malapit sa mata nito. May limang (5) classification ang mga bagyo sa Pilipinas, ang una at pinakamahinang bagyo ay TROPICAL DEPRESSION na may lakas ng hangin na umaabot hanggang 61kph malapit sa gitna, samantala ang TROPICAL STORM ay bagyong may hanging 62 kph hanggang 88 kph. Ang ikatlo ay SEVERE TROPICAL STORM, ito ay may lakas ng hangin sa pagitan ng 89 kph hanggang 117. TYPHOON naman ang tawag sa bagyo na umaabot ang dalang hangin sa pagitan ng 118 kph hanggang 220. Ang pinkamataas na classification ngayon sa Pilipinas ay tinatawag na Super Typhoon. Ang SUPER TYPHOON ay mga bagyong may dalang hangin na di bababa sa 220 kph.
Paano nagbibigay ng pangalan ang Bagyo?Ang pangalan ng mga Bagyo ay nakadepende sa taon kung kalian ito nabuo.
Maari bang matanggal sa listahan ang pangalan ng isang Bagyo?Maari matanggal ang pangalan ng bagyo sa listahan kung ang damage ng bagyo ay aabot ng 1 Bilyong Piso o kung ang dami ng namatay ay aabot ng 300 o pataas.
Ilang bagyo ba ang inaasahan sa Pilipinas taun-taon?Merong inaasahang 20 tropical cyclone ang pumapasok o namumuo sa Philippine Area of Responsibility taun taon on the average at 8 or 9 dito ay naglalandfall.
Anu po ang ibig sabihin ng landfall ng bagyo?Ang landfall ng bagyo ay nangangahulugan na ang sentro o mata ng bagyo ay tumama sa anumang kalupaan ng bansa. Hindi ito kaparehas ng pagpasok ng bagyo sa PAR dahil sa kalayuan ng boundary ng ating ating PAR sa kalupaan ng bansa upang bigyan ng panahon upang makapaghanda ang mga tao.
Anu-ano po ba ang Tropical Cyclone Warning System?Ang TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL (TCWS) ay babala na inilalabas ng PAGASA upang ipaalam sa publiko ang mga maaring epekto ng dalang hangin ng isang Bagyo. Merong limang (5) TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL na inilalabas ang PAGASA; una na dito ang TCWS # 1, kung ang hanging dala ng bagyo ay mula 30kph hanggang 60 kph na inaasahan sa loob ng 36 oras, samantala ang TCWS # 2 kung ang dalang hangin ng bagyo ay mula 61 kph hanggang 120 kph na inaasahan sa loob ng 24 oras. TCWS # 3 naman kung and dala na hangin ng bagyo ay mula 121 kph hanggang 170 kph na inaasahan naman sa loob ng 18 oras at TCWS # 4 naman kung ang inaasahang hangin ng bagyo sa susunod na 12 oras ay nasa pagitan ng 170 kph hanggang 220 kph. Ang pinakamataas na warning ay TCWS # 5 kung saan ang dalang hangin ng bagyo ay higit sa 220 kph na inaasahan sa loob ng 12 oras.

SOURCE: DOST PAGASA