Bilang pagdiriwang sa Fire Prevention Month ngayong taon, nakiisa ang DSWD sa isinagawang Fire Square Road Show ng Bureau of Fire Protection Regional Office 8 (BFP RO8).

Nakaangkla sa temang, “Sa Pag-Iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa,” ibinida ng ahensya ang papel nito sa disaster response at early recovery, pati na rin ang iba pang programa na nakatuon sa pagpapaunlad ng lipunan.

Mahigit isang daang estudyante ang nakilahok sa nasabing programa at natuto mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno kabilang na ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Philippine Air Force, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), PAGASA Tacloban, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine Red Cross, Office of Civil Defense (OCD).

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD