TUNGHAYAN: Tinungo ng mga Angels in Red Vest ang ilang benepisyaryong hindi nakayanang kunin ng personal ang kanilang cash assistance dahil sa kanilang kalagayan. Kabilang sila sa 9,734 Emergency Cash Transfer (ECT) beneficiaries ng Mondragon, Northern Samar na naging apektado ng shear line. Isinagawa ang program implementation noong Marso 4 -9, 2024, kung saan nakapag-abot ng mahigit 24 million ang ahensya sa mga benepisyaryo. Patunay lamang na ang mga Angels in Red Vest ay walang kapaguran sa paglilingkod sa kanilang kapwa.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD