Matagumpay na isinagawa ng DSWD Field Office VIII ang payout ng Risk Resiliency Program – Climate Change Adaptation and Mitigation (RRP-CCAM) sa Allen, Northern Samar. Sa pangunguna ni Regional Director Grace Q. Subong, mahigit 900 na benepisyaryo ang nakatanggap ng P3,750.00 para sa kanilang sampung araw na pagtatrabaho sa Cash-For-Work program. Ilan sa mga ginawa ng mga benepisyaryo ay ang tree planting, gardening at bamboo propagation.

Patuloy naman ang ahensya sa pagsasagawa ng ganitong mga inisyatibo na naglalayong maibsan ang epekto ng climate change. Inaasahan ang implementasyon ng iba’t ibang proyekto sa ilalim ng RRP-CCAM ngayong taon, na magbibigay tulong sa mas marami pang benepisaryo.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD