Tingnan: Namahagi kamakailan ang DSWD Eastern Visayas ng P26,001,120.00 na Emergency Cash Transfer (ECT) sa 8,553 na mga benepisaryo sa Catubig. Bahagi ito ng malawakang distribusyon ng ECT sa probinsya ng Northern Samar.

Sa pinakahuling tala, umabot na sa P337,342,720.00 ang kabuuang naibahagi ng ahensya sa 110,968 na mga benepisaryo mula sa nasabing probinsya. Nakapamahagi na ang DSWD ng ECT sa Catarman, Lavezares, San Jose, Gamay, Lapinig, Mapanas, Palapag, Allen, Bobon, Lope de Vega, Rosario, Catubig, Laoang, Pambujan, San Vicente, Mondragon, San Roque, Las Navas, Silvino Lobos, Capul, at San Isidro.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

📸 DSWD FO VIII DRMD