Nagpaabot ang DSWD FO VIII ng tulong pinansyal sa pamilya ng batang biktima ng pagkakalapa ng tatlong aso noong Marso 10, 2024 sa Brgy. Timbangan Calbiga, Samar.

Umabot sa P10,000.00 ang naipaabot na tulong sa pamilya na magagamit para sa early recovery ng nasabing bata.

Patuloy pa ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa pamilya para sa iba pang pangangailangan sa pagpapagamot ng batang biktima.

Layunin ng ahensya ang pangalagaan ang karapatan ng mga kabataan, matugunan ang kanilang pangangailangan at makapagbigay ng maagap at mapagkalingang serbisyo sa mga bulnerableng sektor.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD