DSWD Field Office VIII namahagi ng Php 78M cash assistance sa iba’t ibang bayan sa Rehiyon Otso

Sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), nakapamahagi ng Php 78M katumbas ng 26,209 na mga pamilya ang DSWD Field Office VIII sa iba’t ibang bayan ng Leyte at Samar. Ito ay base sa datos kahapon, April 5, 2024.

Ang payout na ito ay alinsunod sa Cash Assistance and Rice Distribution (CARD) Program kung saan layunin nito na matugunan ang patuloy na paglaki ng presyo ng bigas at mga pangunahing pangangailangan para sa bulnerable na sektor ng ating komunidad.

Aabot naman sa Php 3,000.00 na cash assistance ang natanggap ng mga benepesyaryo.

At para sa updates may patungkol sa iba’t ibang programa ng DSWD Field Office VIII, bisitahin lamang ang aming official Facebook page: https://www.facebook.com/dswdeasternvisayas

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD