Tingnan | DSWD FO8 nagpaabot ng tulong sa mga nasunugan sa Merida, Leyte

Agad nagpaabot ng tulong ang DSWD Field Office VIII sa apat na pamilyang nasunugan sa Merida, Leyte. Bawat isa sa pamilyang apektado ay nabigyan ng 2 family food packs (FFPs), 3 boteng 6-liter drinking water, 1 hygiene kit, 1 family kit, 1 sleeping kit, 1 kitchen kit, at 1 uratex foam. Sa kabuuan, umabot sa 8 FFPs at 32 non-food items ang naipamahagi ng ahensya, na may kabuuang halagang 44,648.72. Patuloy naman ang koordinasyon ng ahensya para sa mga susunod na hakbang upang mapalawig ang tulong sa mga apektado.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD