Mayroong mensahe si Engr. Pritz Evan Aban, 2024 Electrical Engineer Licensure Examination passer, sa mga kabataang kagaya niyang nangarap lang noon maging isang ganap na Inhinyero.

“Sa mga kabataang nahihirapan sa kanilang pag-aaral , huwag silang susuko dahil in God’s will lahat tayo ay magtatagumpay. Samahan [lang] ng sikap at panalangin.”

Ngayong siya ay nakapasa na ng board exam, nais niyang makapagtrabaho sa field work at magboluntaryong magturo sa pamayanan ng mga natutunan niya sa kaniyang propesyon.

Ang pagboboluntaryo ay kanya ring paraan upang maibalik ang tulong ng gobyerno sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ang pamilya ni Pritz Evan ay naging 4Ps beneficiary at nagpapasalamat siya sa tulong ng programa. Ika nga niya, [Natulungan nitong mapagtapos kaming tatlong magkakapatid ng pag-aaral] at dahil dito na nakaraos kami sa kahirapan.”

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

(credits: DSWD 4Ps ML Catherine Anne Montes/MOO Paranas)