Lakad at tulak upang umusad sa kabila ng mga hamon ng buhay Nagkapatong patong ang mga hamon sa buhay sa pamilya nila Jhosie Milagrosa and Joselito Gondong nang dumating ang pandemya. Naaksidente si Joselito sa pinagtatrabahuan niya sa factory nang mag-malfunction ang makina na kanyang hinahawakan. Dahil sa aksidenteng ito, nasunog ang kanyang balat sa bandang likod at leeg. Pagkatapos ng pangyayaring ito, kalaunan ay isa siya sa mga natanggal na trabahante sa mismong factory dahil kailangan magbawas ng empleyado dala ng pandemya. Halos sumuko na sa buhay si Joselito at Jhosie ngunit iniisip nilang maging matatag para sa kanilang mga anak, lalo na at bagong panganak si Jhosie. Sambit ni Joselito, “Awang-awa ako sa aking mag-iina dahil dapat ang inaalagan ni Joshie ay an gaming dalawang anak lalo na at kapapanganak pa lang niya sa ikalawang anak namin, ako yung inaalagan niya. dahil kailangan kong magpagaling dahil sa sunog sa balat.” Dagdag nito ang kanyang asawa na ring si Jhosie ang siyang naghanap ng pwedeng pagkakitaan. Gumagawa at nagtitinda si Jhosie ng basahan. Kahit paano ay nasa Php 200-300 ang nakukuha nilang kita sa kada araw. Ito ang nagpatawid sa kanilang mga gutom na sikmura. Nguni ang kita nilang ito mula sa basahan ay malayo sa Php 6,000 na nakukuha ni Joselito kada lingo nang ito ay nagtatrabaho pa sa factory. Bayarin palang sa inuupa nilang bahay ay halos hindi na kakasya ang buwanang kita mula sa basahan. Ito Dagdag pa sa kanilang iniisip ang pambayad sa kuryente , tubig at pati na rin sa pagkain. Halos dalawang beses sa isang araw nalang sila kung kumain. Banggit pa ni Joselito, “Minsan nagkakape nalang ako at ibinibigay ko nalang sa kanila ang aking pagkain.” Wala din silang ibang pamilya sa Manila. Ang mga pamilya nila sa Leyte ay hindi naman din sila magawang tulungan dahil hirap ito lalo na at pandemya. Kahit nagpapagaling pa lang si Joselito mula sa aksidente ay pinilit niyang maghanap ng maaring mapagkakakitaan bagaman kagagaling lang nito sa pagpapagaling. Pahirapan pa rin makahanap ng mapapasukang trabaho. Buti nalang at mayroon silang kapitbahay na nagpahiram sa kanila ng pera. Dahil dito, nakaumpisa si Joselito ng maliit na negosyo. Nagbenta siya ng prutas habang ito’y tulak tulak sa maliit na kariton. Nililibot niya ang kalsada umaga hanggang gabi makapagbenta lang. Kahit papaano ay may kita rin ngunit batid ni Joselito na hindi talaga kaya nito habang tumatagal ang pandemya. Nang malaman nila ang tungkol sa Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) program ng DSWD ay dali-dali silang nag-apply dito. “Nilakad ko agad ang mga requirements upang kami ay makapag-apply sa BP2. Literal na lakad ang ginawa ko dahil hindi lang sasakyan ang mahirap noong panahon na ‘yon pati pagkukunan ng pamasahe ay pahirapan.”, saad ni Joselito. Hindi inalintana ni Joselito ang maulan at mainit na panahon paglalakad, maipasa lamang ang mga kinakailangang dokumento. Saad pa ni Joselito lahat ay magagawa niya para sa kaniyang pamilya maglakad man o magtulak ng kariton. Banggit naman ni Jhosie, “Gusto talaga naming mapasama sa programa kasi ito lang ang nakikita naming tanging pag-asa na makawala sa mahirap na sitwasyon na nararanasan namin sa Manila at makapagsimula ulit ng buhay sa Leyte.” Tubong Leyte sina Jhosie at Joselito. Parehong namuhay sa Manila para sa kani-kanilang pamilya hanggang sa doon na sila nagkakilala at bumuo ng sariling pamilya. Pagsisimula ng bagong buhay sa Leyte, Pag-‘padyak’ para sa kinabukasan Naging matagumpay ang kanilang aplikasyon sa Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) program matapos silang ma-assess at ma-validate ng social workers. Noong Hunyo ng taong 2021, nakabalik sa Kananga, Leyte ang pamilya nila Jhosie at Joselito. Sa kanilang pagbabalik sa Leyte, hindi natapos ang mga pagsubok. Tumira muna sila sa bahay ng biyenang-lalaki at ina ni Joshie ng isang buwan nang mayroong maganap na insidente ng hindi pagkakaunawan . Dahil dito sila ay pinalayas. Sumaklolo agad ang lokal na pamunuan ng Kananga sa kanilang pamilya. Kasama ng dalawang maliliit nilang anak, sila’y namalagi muna sa bakanteng opisina ng municipal hall ng Kananga. “Lubos ang aming pasasalamat sa LGU kay Mayor Torres, kay MSWDO Mangalao, kay Ma’am Lemebeth at sa lahat ng tumulong sa amin. Hindi sila nagdawalang isip na kami ay tulungan sa mga oras na ‘yon” Habang naghihintay ng assistance mula sa BP2 program ng DSWD ay naghanap muna si Joselito ng diskarte upang kumita. Nag-‘boundary’ at nagmaneho munaito ng pedicab. Kumikita si Joselito ng Php 300.00 kada araw mula ditto. Hanggang sa matanggap na nila ang Transitory Family Support Package mula sa Balik Probinsiya , Bagong Pag-asa (BP2) program, sa ilalim ng KALAHI-CIDSS, na nagkakahalaga ng Php 45,000.00. Ang Transitory Family Support Package ay suporta para sa pagkain at mga kagamitan na kinakailangan ng pamilya na nasa yugto ng kanilang paglipat o transition period sa inuwiang probinsya o munisipyo. Ginamit nila ang assistance na ito upang nakahanap sila ng mauupahan at nakabili ng gamit. “Halos wala kaming gamit nang dumating kami dito sa Kananga. Dahil sa assistance ng BP2 naging madali para sa amin ang makabili ng kinakailangan kagamitan sa loob ng bahay.” Hindi rin nagtagal ay natanggap din nila ang assistance para sa Livelihood Settlement Grant mula sa Balik Probinsya Bagong Pag-asa (BP2) program sa ilalim ng DSWD Sustainable Livelihood Program (SLP). Ang livelihood Settlement Grant (LSG) o Livelihood Assistance ay tulong pinansyal na inabot sa kwalipikadong pamilya o indibidwal ng programa para makapagsimula ng kabuhayan sa kanilang inuwiang probinsya o munisipyo. Ito au maaaring gamiting puhunun o kapital o panggastos sa pag-asikaso ng employment requirements kung trabaho ang pipiliing hanapbuhay. Napili ng pamilya ni Joselito na pedicab at babayuhan ang kinakailangan nilang pangkabuhayan. Paglalahad ni Joselito, “Dahil sa pag-‘boundary ko nababawasan pa po ng Php 50.00 ang kinikita kongPhp 300 kada araw. Bigas na rin ‘yon. Ngayon na natanggap na rin namin ang pedicab bilang pangkabuhayan galing sa BP2, lahat ng kita ko sa pasada napupunta sa pangangailangan ng aming pamilya. Ngayon, nakakapag-uwi ako ng Php 400. Mayroon din kaming babuyan na hindi na matagal ay maibebenta na rin namin. Kaya malaki ang continue reading : Lakad, tulak at ‘padyak’: Storya ng katatagan at pagsusumikap para sa panibagong buhay
FEATURE STORY- SOCIAL PENSION PROGRAM
FEATURE STORY: Busilak na Pag-agapay: Kabutihang dulot ng Social Pension Program sa mga Maralitang Senior Citizens Isa si Presentacion Sereño, 78 taong gulang mula sa Brgy. Libjo, Merida, Leyte sa 1,713 na nakatanggap ng tulong-pinansyal mula sa Social Pension program noong Set. 1, 2022. Bukod pa sa high blood na kasalukuyan niyang iniinda ay malabo at hindi na tuluyang nakakakita ang kanyang dalawang mata. Kung kaya’t siya ngayon ay nasa ilalim ng pangangalaga ng kanyang anak na solo-parent at wala ring permanenteng pinagkukunan ng pera para sa pang araw-araw nilang gastusin. Banggit nga ni Sereño, “Lubos ang aking pagpapasalamat sa DSWD dahil tinulungan nila ako at isa ako sa mga napiling benepisyaryo ng programa. Makakabili na ako ng gamot para sa highblood, bigas, at pang-ulam namin sa mga susunod na araw.” Mensahe naman ng kanyang apo na si Timmy Garrido na sinahaman siya sa payout venue, “Nagpapasalamat ako ng malaki sa DSWD dahil gumawa ito ng programa para sa mga Senior Citizen. Nakakapaghatid sila ng tulong-pinansyal para sa mga walang trabaho at binubuhay na lamang ng kanilang mga anak. Ang cash assistance na naibigay sa aking lola ay malaking tulong para sa maintainance, pambili ng gatas, at sa mga kakarampot niyang pang-gastos, mayroon siyang mapagkukunan ng pera.” Sa kabilang dako, mai-uugnay din dito ang buhay ni Fernanda Semeros, 72 taong gulang, mula sa Brgy. Masumbang, Merida, Leyte. Si Fernanda ay nakatira rin sa iisang bubong kasama ang kanyang mga anak na wala ring mga permanenteng trabaho. Higit pa rito, siya ay tumutulong sa pagpapalaki ng kanyang walong apo. Nasambit pa niya na bukod sa pagbili ng kanyang medisina para sa high blood ay naglalaan din siya ng pera para sa pag-aaral ng kanyang walong apo. Ang perang kanyang natanggap ay hindi lang para sa kanyang personal na pangangailangan bagkus ay upang matugunan din ang pangangailangan ng kanyang mga anak at apo na kasama niyang namumuhay sa laylayan. Si Presentacion at Fernanda ay dalawa lamang sa mukha ng milyon-milyon pang maralitang Senior Citizens sa ating bansa. Bunga ng pagsisikap na mapaabot ang busilak at mapag-kalingang serbisyo para sektor na ito, malaki ang pagbabagong nalilikha ng Social Pension Program bilang tulong sa mga benepisyaryo nitong patuloy na hinaharap ang buhay na puno ng pag-asa at paniniwala. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD #dswdsocialpensionprogram
BASAHIN: Social Pension Program 2022 Updates
BASAHIN: Social Pension Program 2022 Updates Matiwasay at maayos na naganap ang pangalawang quarter na pamamahagi ng Social Pension Program noong August 30- September 2, 2022 sa munisipalidad ng Merida, Leyte. Tinatayang nasa 1,713 ang kabuoang bilang ng mga benepisyaryo na nakatanggap ng Php 1,500 bilang quarterly financial assistance. Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng quarterly payouts sa iba’t ibang munisipyo/bayan sa rehiyon. Sa kabilang dako, pinapaalalahanan naman ang mga indigent Senior Citizens na benepisyaryo ng programa na manatiling naka-antabay sa announcements ng kanilang mga City/Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO) para sa nakalaang schedule at venue na pagdadausan ng payout sa kanilang mga lugar. Bukas din ang himpilan ng DSWD Field Office VIII at lokal na pamunuan sa pamamagitan ng kanilang C/MSWDO para sa iba pang katanungan hinggil sa Social Pension program. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD #dswdsocialpensionprogram
AICS- EDUCATIONAL ASSISTANCE TESTIMONIAL
Si Grizzel at ang kanyang asawa ay walang permanenteng pinagkukunan ng pagkakakitaan. Si Grizzel ay isang housewife at paminsan-minsang umi-extra bilang labandera. Samantalang construction worker naman ang kanyang asawa na planong mamasada na lamang ng pedicab pagkatapos ng kontrata nito. May tatlo silang anak na nag-aaral, isang highschool at dalawang nasa elementarya. Laking pasasalamat ni Grizzel na isa siya sa mga nakatanggap ng Educational Assistance ng DSWD. “Nagpapasalamat ako na mayroong programang ganito ang DSWD. Ang perang aking natanggap ay ipambibili ko ng school uniform, sapatos at iba pang mga pangangailangan sa eskwelahan ng aking mga anak. Malaking tulong talaga ang educational assistance ng DSWD.” Si Grizzel ay nakakuha ng educational assistance noong Setyembre 4, 2022, matapos makatanggap ng appointment text message mula sa DSWD. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
AICS- EDUCATIONAL ASSISTANCE TESTIMONIAL
Si May ay pangatlong anak sa walong magkakapatid. Siya ay kasalukuyang 2nd year college sa kursong Bachelor of Elementary Education sa Eastern Samar State University. “Ipambibili ko ng uniform at ipambabayad ko sa renta ng boarding house ang natanggap ko na educational assistance. Maraming salamat sa DSWD. “ Isa si May sa mga nakakuha ng educational assistance noong Setyembre 4, 2022, matapos makatanggap ng appointment text message mula sa DSWD. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
Community-Driven Development (CDD) Orientation
NOW HAPPENING: Hon. Marissa Sofia, a former community volunteer now an elected barangay official delivering her testimonial message during today’s Community-Driven Development (CDD) Orientation to Local Government Units and Sub-Field Office in Leyte 1 Areas. Community-Driven Development is a development approach that gives community members control over the development process, decision-making, and resource management. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD EASTERN VISAYAS CELEBRATES NATIONAL PEACE CONSCIOUSNESS MONTH
DSWD Eastern Visayas Regional Director Grace Q. Subong together with DSWD Field Office VIII employees celebrate the National Peace Consciousness Month with a theme, “Pagkakaisa at Paghilom: Isang Bansa para sa Kapayapaan.” Presidential Proclamation No. 675, s. 2004, declared the month of September as the National Peace Consciousness Month in order to instill greater consciousness and understanding of the importance of comprehensive peace processes and national peace efforts among Filipino people. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD