DSWD Otso Nagsagawa ng Consultation Dialogue Kasama ang mga 4Ps Parent Leaders

Nagsagawa ng Consultation Dialogue ang DSWD Field Office VIII kasama ang 150 Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) parent leaders at representatives ng Samahan ng Nagkakaisang Pantawid Pamilya (SNPP) mula Leyte at Samar ngayong araw sa The Oriental Hotel, Palo, Leyte.

Sa nasabing konsultasyon napag-usapan ang mga pinaka-importanteng paksa tungkol sa implementasyon ng 4Ps kabilang na ang identification o pagkilala sa mga Listahanan Non-poor, mga isinasagawang validations at ang Exiting Households.… Click here to read more...

PAUNAWA TUNGKOL SA EDUCATIONAL ASSISTANCE- ASSISTANCE TO INDIVIDUALS IN CRISIS SITUATIONS (AICS)

PAUNAWA

Pansamantala naming isinasara ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa AICS Educational Assistance sa pamamagitan ng email.

Ito ay upang mabigyang daan ang masusing pag-review at maiwasan ang duplikasyon ng pamamahagi ng tulong-pinansyal.

Samantala, para sa mga nakapagsumite ng kanilang aplikasyon, antabayanan ang notification mula sa aming opisina.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa aming official page DSWD Eastern Visayas.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

Click here to read more...

PAUNAWA TUNGKOL SA EDUCATIONAL ASSISTANCE- ASSISTANCE TO INDIVIDUALS IN CRISIS SITUATIONS (AICS)

PAUNAWA

Educational Assistance-Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS)

Kasalukuyan pang ino-organisa ang mga bagong detalye para sa mas sistematikong pagproseso ng AICS Educational Assistance.

Hinihikayat namin ang publiko na antabayanan ang mga opisyal na ANUNSYO dito sa DSWD Eastern Visayas FB Page bago magtungo sa mga opisina ng DSWD sa inyong probinsya o munisipyo.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

Click here to read more...

Update: Educational Assistance sa DSWD Field Office VIII

Nasa 2,210 kliyente sa buong rehiyon ang nakatanggap ng DSWD AICS-educational assistance sa unang Sabado ng pagproseso nito. 448 kliyente nito ay mula sa Leyte; 141 sa Biliran; 368 sa Southern Leyte; 635 sa Samar; 408 sa Northern Samar; at 210 sa Eastern Samar. Ito ay katumbas sa Php 6.2 million kabuoang pinansiyal na ayuda.

Ang Educational Assistance ay pagbibigay ng pinansyal na ayuda sa ilalim ng ASSISTANCE TO INDIVIDUALS … Click here to read more...

Educational Assistance Testimonial sa DSWD Field Office VIII

Senior highschool si Jeric ngayong pasukan. Batid niya ang hirap na walang ibang kamag-anak na pwedeng umalalay sa kanyang mga kakailanganin sa darating na pasukan.

Siya ay taga-Tacloban City at nasawi sa Super Typhoon Yolanda ang kanyang mga magulang taong 2013. Ang lola niyang senior citizen na lamang ang nag-aalaga sa kanya. Dahil sa katandaan nito, hindi na din kayang matustusan ang pangangailangan ni Jeric.

Kung kaya’t malaki ang pasasalamat … Click here to read more...

UPDATE: EDUCATIONAL ASSISTANCE SA DSWD FIELD OFFICE VIII

Sa ngayon, tinatayang nasa 456 kliyente na ang nakatanggap ng educational assistance mula sa regional office at sa mga sub-field offices sa iba’t ibang probinsya sa rehiyon.

Patuloy pa rin ang tanggapan ng DSWD sa pagproseso ng assistance ng mga kliyente ngayong araw ngunit, hinihikayat na magsumite nalamang ng dokumento sa inquiry.fo8@dswd.gov.ph para ito ay mareview at maschedule ng DSWD ang pagproseso ng educational assistance sa mga susunod na limang … Click here to read more...