Kaugnay ng selebrasyon ng DSWD 72nd Anniversary dito sa Rehiyon Otso, pinangunahan ni Assistant Regional Directors Clarito T. Logronio at Natividad Sequito kasama si Department of Agriculture Regional Office 8 Regional Executive Director Angel Enriquez at Department of Trade and Industry Regional Office VIII Assistant Regional Director Maria Delia Corsiga ang pagbubukas ng “Tabo sa DSWD” at Health and Wellness Week. Itinatampok sa Tabo sa DSWD ang mga produkto ng iba’t ibang Sustainable Livelihood Program Association na sinusuportahan ng DSWD. Ayon kay Director Enriquez, matagal na at matibay ang partnership ng DSWD at DA sa pagpapatupad ng mga programa para sa ating mga kababayan sa rehiyon. “Eto ang simula ng mas malawak na partnership ng DSWD at DTI sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng ating mga kababayan sa Eastern Visayas,” ayon naman kay Director Corsiga. Ang DSWD, DTI at DA ay may iisang layunin – ang mapaunlad ang kabuhayan ng ating mga kababayan sa Eastern Visayas. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD #SustainableLivelihoodProgram #WorkingGovernment
DSWD Field Office VIII Kicks-Off 72nd Anniversary Celebration
The Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VIII kicked off its month-long 72nd anniversary celebration, today, February 6, 2023 at the DSWD Field Office VIII grounds. Anchored on the theme, “Kaagapay sa Pagbangon, Katuwang sa Bawat Hamon,” the kick-off activity opened with the message of the DSWD Field Office VIII Assistant Regional Director for Operations Natividad G. Sequito. ARDA Sequito warmly welcomed all DSWD employees to the anniversary celebration. She also relayed the message of Regional Director Grace Q. Subong who expressed that the success of one office or one program is a success of the entire DSWD office and that teamwork works if every DSWD employee embraces the idea that being part of the agency means being able to sacrifice self interests for the common good. The speech was followed by an audio-visual presentation of the overview of the DSWD 72nd anniversary and a torch lighting. Assistant Regional Director for Administration Clarito T. Logronio initiated the declaration of the opening of the games. For the first day of the anniversary celebration, the different teams of DSWD Field Office VIII will have to compete for the float motorcade competition and cheer dance competition. Several activities are in store for the month-long DSWD 72nd anniversary celebration which include sports competition, “Tabo ha DSWD,” tree planting activity and “Kapihan sa DSWD” among others. All activities aim to recognize, acknowledge and appreciate the contributions of all DSWD employees, partners and stakeholders in upholding the DSWD brands “maagap at mapagkalingang serbisyo,” “serbisyong walang puwang sa katiwalian” at “patas na pagtrato sa komunidad,” throughout the years. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD #DSWD72ndAnniversary
DSWD Field Office VIII Launches Listahanan 3 Results
The DSWD Field Office VIII launched the Listahanan 3 or the National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) data results and latest profile of the poor families in Region VIII last December 2022 at The Oriental Hotel, Palo, Leyte. The launching was attended by DSWD employees, government officials, National Government Agencies (NGAs), Non-Government Organizations (NGOs) and various DSWD partners and stakeholders. Listahanan 3 database of DSWD Field Office VIII was able to determine 365,086 poor households from the 848,662 total households assessed in the region. With the launching of the latest results of Listahanan, the DSWD Field Office VIII is already formally open to data sharing partnerships to allow stakeholders to gain access to the Listahanan 3 database in Eastern Visayas. With the use of scientific method and standardized criteria in identifying who and where the poor are, the Listahanan 3 database will serve as the data users’ latest guide in identifying potential beneficiaries of their social protection programs and services. For implementers and developers of social protection programs and services who are interested to gain access to the Listahanan 3 poverty database of Region VIII, kindly email the National Household Targeting Section of DSWD Field Office VIII at nhts.fo8@dswd.gov.ph or visit the office of the National Household Targeting Section of DSWD Field Office VIII located at Government Center, Candahug, Palo, Leyte. To ensure that the information in the Listahanan database will be protected, the database is only made available based on strict data-sharing guidelines and only through a Memorandum of Agreement between the Department and the requesting party in compliance with the Data Privacy Act of 2012. #DSWDListahanan3 #BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
Kwento ng tiyaga at pagsusumikap para sa pamilya at pangarap na makapagturo.
Isang ilaw ng tahanan at 4Ps member, lisensyadong guro na! Pagsusumikap Noong nag-aaral pa lang si Janice Colinares- Andrade sa kolehiyo ay maraming sideline ang kanyang pinasukan upang mapa- aral ang sarili. Maliban sa kanyang tuition fee o matrikula, kailangan niyang magdoble kayod dahil nag-aaral din ang kanyang mga anak. Noong nasa fourth year college si Janice, lahat ng kanyang limang (5) anak ay nag-aaral. Sa panhaon na iyun ay ang kanyang panganay na anak ay nasa first year college; ang kanyang pangawalang anak ay nasa Grade 11; pangatlong anak ay nasa Grade 9; at dalawa ay nag-aaral sa elementarya. Kahit na gaano man kahirap, nagtiyaga si Janice para sa kanyang pamilya at sa kanyang pangarap na makapagturo. Habang siya ay nag-aaral sa kolehiyo, naging working student siya sa Guidance office. Kahit paglalabada at pagtitinda ng gulay ay kanyang pinasukan para makadagdag sa kita. Pagbabahagi ni Janice,“ Nagtiyaga po akong maitawid ang aking pag-aaral at ng aking mga anak sa gayun ay tuluyan na naming maputol ang chain of poverty.Pangarap ko rin ang makapagturo sa publikong paaralan. Gusto kong ibahagi ang akiing kaalaman ay maibahagi sa mga kabataan.” Dahil pangarap ni Aliya gang pagtuturo ay sinubukan niyang mag-volunteer bilang Day Care teacher sa bayann ng Sta Rita bago pa man siya nag-aral sa kolehiyo. Kahit na maliit ang nakukuha niyang honorarium mula sa pagtuturo sa daycare ay ipinagpatuloy pa rin niya ito upang makakuha ng magandang karanasan bilang matibay na pundasyon sa pagtuturo 4Ps, kaagapay sa pagsusumikap ng pamilya Isang magsasaka ang asawa ni Janice. Hindi sapat ang kita sa pagsasaka kung kaya’t patuloy na naghahanap ng sideline work o ibang pagkakakitaan si Janice para matustusan ang kanilang araw araw na pangangailangan. Kaagapay ni Janice at ng kanyang pamilya ang gobyerno sa kanyang pagsusumikap nilang makaahon sa kahirapan. Bilang miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), malaking tulong ang cash grants para sila ay tumawid sa magandang kinabukasan. “Napakalaking tulong po ng 4Ps sa aming pamilya. Dahil po sa cash grant mula 4Ps, ako po ay nakatapos ng Bachelor of Secondary Education at ang aking mga anak ay tuloy tuloy na nakapag-aral.” Dahil din sa cash aid mula sa 4Ps,natulungan din sila na kanilang mga pangunahing pangangailangan. “ Ipapaabot ko ang aking lubos na pasasalamat sa 4Ps, Kung wala ang tulong nito ay hindi ako aabot hanggang dito -ang makapasa sa LET at maging isang lisensyadong guro. Ipinagmamalaki ko na ako na ang aking pamilya ay isang Pantawid Grantee. Maraming salamat sa lahat!”, saad ni Janice. Dahil sa alalay ng 4Ps, ang kanyang panganay na anak ay graduating student na sa kolehiyo habang ang kanyang pangawalang anak ay nasa second year college na; ang pangatlong anak ay nasa Grade 12; ang pang-apat na anak ay nasa Grade 7 at ang bunso ay Grade 5 na. Sa ngayon, ang kanyang pangatlong anak nalang ang nag-iisang 4Ps monitored child. Hindi lang sa cash grant nagpapasalamat si Janice at ang kanyang pamilya pati na rin sa mga natutunan niya mula sa Family Development Sessions (FDS) , trainings and seminars. Tagumpay Taong 2020 ay nakapagtapos si Janice mula sa Bachelor of Secondary Education sa Leyte Colleges. Agad siyang nag-apply at natanggap bilang guro sa Liceo del verbo divino sa Tacloban City. Tatlong taon na siyang nagtuturo sa Senior Highschool. Mula noong siya ay makapagtrabaho ay dinala na niya ang kanyang pamilya sa Tacloban mula sa Sta. Rita Samar. Ang kanyang asawa ay naiwan sa Samar at nagpapadala para sa ibang gastusin ng kanilang anak. Noong Oktubre 2022, sinubukan ni Janice na makakuha ng Licensure Examination for Teachers. Baon ang pagsusumikap at pangarap para sa pamilya at pagtuturo, hindi siya nabigo na makapasa at ngayon ay Kung wala ang tulong ng 4Ps ay hindi ako aabot hanggang dito -ang makapasa sa LET at maging isang lisensyadong guro.Ipinagmamalaki ko na ako na ang aking pamilya ay isang Pantawid grantee. Maraming salamatganap na siyang lisensyadong guro. “Sobrang happy po ako nung nabalitaan ko na nakapasa ako. Humahagulhol po ako sa kakaiyak, halos di na po ako makapagsalita sa tuwa. Nagpasalamat talaga ako sa panginoon kasi maikling panahon lang po ang iginugol ko sa pag- review.”, pagtatapos ni Janice. Batid ni Janice na marami pang pagsubok ang kakaharapin ng kanilang pamilya upang makamit ang tagumpay. Mananatili siyang magiging matiyaga at magsusumikap sa anumang hamong darating.
TINGNAN: Dumating ngayong gabi sa Bato, Leyte ang truck lulan ang 1,700 family food packs (FFPs).
Ang mga FFPs na ito ay augmentation support ng DSWD Visayas Disaster Resource Center para sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong #PaengPH. Sa pinakahuling tala, umabot na sa 5,150 ang naibigay na FFPs sa local na pamahalaan ng Bato. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
TINGNAN: Dumating ngayong gabi sa Bato, Leyte ang truck lulan ang 1,700 family food packs (FFPs).
Ang mga FFPs na ito ay augmentation support ng DSWD Visayas Disaster Resource Center para sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong #PaengPH. Sa pinakahuling tala, umabot na sa 5,150 ang naibigay na FFPs sa local na pamahalaan ng Bato. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
Ang Bangka
Storya ng paglalakbay mula kahirapan tungo sa kaunlaran Mula nang ikasal sina Roberto at Imelda Albesa at mabiyayaan ng anim na anak, sila ay naninirahan sa kanilang simpleng tahanan na gawa sa mga light materials sa Brgy. San Vicente, Hindang, Leyte. Ang pangunahing pinagkukunan nila ng kita ay pangingisda ng ama kung saan umuupa ito ng bangkang pangisda sa kanyang kamag-anak upang maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Bukod dito, nagtatrabaho din si Roberto bilang laborer at karpintero. Si Imelda naman ay tumutulong sa pagtitinda ng isda at pagtanggap ng mga labada mula sa mga kapitbahay. Ibinahagi ng mag-asawa na ang kahirapan ay tila palaging nakadikit sa kanilang buhay dahil mula pa noong sila ay maliit ang kanya-kanya nilang mga pamilya ay dumaan rin sa parehong mga paghihirap. Bagama’t nakapagtapos sila ng secondary education, hirap pa rin silang makakuha ng magandang trabaho na maaaring makapagbigay sa kanila ng mas matatag na mapagkukunan ng income. Ang mag-asawa na parehong kulang ang kita at hindi regular ay talaga nga namang nahirapan na matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang buong pamilya. Lalong naging mahirap para sa pamilya lalo na’t lahat ng kanilang mga anak ay nag-aaral. Gayunpaman, ang bawat miyembro ng pamilya Albesa ay nanatiling determinado na malampasan ang anumang kahirapan sa buhay. Nang maging benepisyaryo ang pamilya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) noong 2012, bumuti nang husto ang kanilang pamumuhay. Ang mga natutunan nila sa pagdalo sa buwanang Family Development Sessions (FDS) ay nag-ambag sa kakayahan ng pamilya na mas maging responsable at tumutugon sa mga pangangailangan ng kanilang pamilya lalo na sa mga anak. Bukod dito, dahil sa FDS on Financial Literacy at “Pag-iimpok ng Pera” napagtanto din nila ang tamang pag-gamit ng pera at pag-iimpok o savings. Ang mga cash grants na natanggap nila mula sa programa ay ginamit lamang para sa mga pangangailangan sa nutrisyon at edukasyon ng kanilang mga anak. Dahil dito, mas nakaipon pa sila dahil ang kita mula sa kanilang mga gawaing pangkabuhayan ay nagamit sa iba pang importanteng bagay gaya ng unti-unting pagkukumpuni ng kanilang bahay. Napag-alaman din ng pamilya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng access sa microfinance institution na hindi lamang magagamit sa pag-iimpok at pag-avail ng mga pautang kundi ang pagkakaroon din ng iba’t ibang benepisyo na ibinibigay nito sa mga miyembro tulad ng libreng gamot at bitamina. Ang pagkakaroon ng access sa insurance ay isa rin sa mga benepisyong makukuha ng isang miyembro upang sa mga oras ng emergency, mayroon silang sariling mapagkukunang pinansyal na maaasahan. Ang pamilya Albesa ay lubos din nasiyahan sa kanilang natutunan na pagkaroon ng produktibong hardin sa likod-bahay kung saan sila ay nakakapag-ani ng masusustansiyang gulay at halamang ornamental na kanila din namang naibebenta. Ipinagmamalaki at pasalamat din ng mag-asawa na interesado at nagsusumikap ang lahat ng kanilang mga anak sa pag-aaral. Ang mga ito ay tunay na binibigyang halaga ang kanilang mga sakripsiyo bilang mga magulang at ang tulong ng 4Ps. Sa kasalukuyan, ang isa sa kanilang mga anak ay nagtatrabaho na bilang nurse sa isang pribadong Clinic sa Hilongos, Leyte. Ang isa naman ay second year na sa kursong Bachelor of Secondary Education sa Saint Michael College. Para sa pamilya Albesa, hindi naging madali ang kanilang paglalakbay tungo sa ngayon na tinatamasang kaginhawaan. Kung sila ay ang uri ng pamilya na walang pangarap, adhikain, at pagsusumikap na umunlad, hindi nila mararanasan ang makabuluhang tagumpay na nararanasan nila ngayon. “Maraming salamat sa 4Ps at sa lahat ng mga kaalamang naibahagi ng programa sa aming pamilya. Tunay nga na maaari nating makamit ang positibong pagbabago at pag-unlad kapag pinagsama-sama ang tulong ng programa, at ang pangarap, tiyaga, at pagsisikap ng lahat ng miyembro ng pamilya,” ika nga ng pamilya Albesa na matagumpay na naabot ang self-sufficient level of wellbeing at grumaduate na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). #BawatBuhayMahalagaSaDSWD