Nakikiisa ang DSWD Eastern Visayas sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani. Isang pagpupugay at pagsaludo ng DSWD FO VIII sa lahat ng pambansang bayani ng Pilipinas. Isa namang pagsaludo sa iyo na walang pag-aalinlangang tumutulong at nagsasakripisyo para sa kapwa Filipino. Ito ang tanda ng isang makabagong bayani. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD #NationalHeroesDay2022
COMMUNITY VOLUNTEERS UNDER DSWD KALAHI-CIDDS AS INNOVATIVE HEROES OF THIS TIME
In celebration of National Heroes’ Day, we consider the community volunteers under DSWD KALAHI-CIDSS as the innovative heroes of this time. The success of Community-Driven Development (CDD) has been made possible by their tireless service and uncompromising volunteerism. For these innovative heroes, CDD legislation is a big step because it recognizes the voices and abilities of ordinary people like them. Here are community volunteers from Region 8’s different municipalities to show their support for CDD legislation. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
EDUCATIONAL ASSISTANCE STORY
“Kinakaya” ito ang sagot ni Carmelita nang siya ay kumustahin sa kung paano niya sinisikap na matugunan ang pangangailangan ng kanyang dalawang anak gayun na siya ay solo parent. Simula ng namatay ang kanyang asawa noong 2016 ay mag-isa niyang kinakayod ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak lalo na sa pag-aaral nito gayung nasa kolehiyo at elementarya na ang mga ito. Malaki ang kanyang pasasalamat sa DSWD sa naiabot na tulong sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng AICS-Educational Assistance. Sambit ni Carmelita, “Kinakaya kahit mahirap maging isang solo parent. Mabuti nalang andiyan palagi ang DSWD para umalalay sa akin at sa aming pamilya. Katulad ngayon, sa nakuha kong educational assistance mula sa DSWD, mayroon na akong budget sa pagpatahi ng uniform at iba pang pangangailangan ng aking anak na nasa Grade 12. Maraming salamat DSWD.” Isa si Carmelita sa nakakuha ng educational assistance noong Agosto 27 sa Astrodome,Tacloban City. Nagpunta siya sa venue matapos siya ay makatanggap ng appointment text message mula sa tanggapan. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
ADVISORY-AICS EDUCATIONAL ASSISTANCE
Narito ang sagot sa inyong mga kadalasang tanong ukol sa DSWD AICS – Educational Assistance – Online Appointment Portal. 1. Tanong : Nakapagregister na kami sa link, sa QR Code at sa pamamagitan ng text ngunit wala pa ring text message mula sa DSWD. Kailan kaya kami makakatanggap ng text message mula sa DSWD? Sagot : Makakatanggap kayo ng text message mula Martes, Agosto 30, 2022 at sa mga susunod nitong araw, ngunit hindi po kayo sabay sabay na makakatanggap nito. 2. Tanong : Ano po ba ang text message na matatanggap namin mula sa DSWD? Sagot : May tatlong (3) klase ng text message, at isa dito ang maaari mong matanggap: a. “Base sa resulta ng initial assessment kayo ay isa sa CONFIRMED CLIENT” ngayong (Schedule: Petsa, ORAS: __________) sa (Venue: ___________________” b. “Upang ma proseso, maaaring mag reply sa pamamagitan ng pag-type ng mga sumusunod… ipadala sa numerong _____________________” c. “Napag-alaman sa initial assessment na ikaw ay miyembro ng 4Ps/MCCT/Scholar ng Ahensiya kung kaya ikinalulungkot po naming sabihin na hindi na maaaring makapag apply sa educational assistance” 3. Tanong : Maaari ba naming tawagan ang numerong nakalagay sa text message ng DSWD FO8? Sagot : Hindi po dahil eto ay isang information system. Antabayanan ang susunod na mga anunsiyo dito sa Facebook Page: DSWD Eastern Visayas #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD FO VIII holds Inter-Agency Meeting for the Implementation of AICS-Educational Assistance
IN PHOTOS: On August 25, 2022, an inter-agency meeting was held to discuss and agree on the efficient, peaceful, secure, and safe implementation of the Department of Social Welfare and Development’s AICS-Educational Assistance. This was attended by key officers from the Department of Interior and Local Government Regional Office VIII, the Department of Education Regional Office VIII, the Bureau of Fire and Protection, Philippine National Police Regional Office VIII, the Provincial Government of Leyte through the Provincial Social Welfare and Development Office, Tacloban City Philippine National Police Office, the City Government of Tacloban represented by the Traffic Operations, Management, Enforcement and Control Office, the Tacloban City Rescue Unit, the City Disaster Risk Reduction and Management Office, and the Tacloban City Social Welfare and Development Office. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
Pamamahagi ng Educational Assistance Personal na Tinutukan ng mga Opisyal ng DSWD Field Office VIII
Personal na tinutukan ng mga opisyal ng DSWD Field Office VIII sa pangunguna ni Regional Director Grace Q. Subong, Assistant Regional Director for Administration Clarito T. Logronio at Assistant Regional Director for Operations Natividad G. Sequito ang pamamahagi ng educational assistance ngayong araw at tiyaking eto ay maayos, payapa at matiwasay para sa ating students-in-crisis na mga kliyente. Umabot na sa 2,656 na estudyante ang nakatanggap ng ayuda sa buong rehiyon. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
UPDATE: EDUCATIONAL ASSISTANCE
UPDATE: As of 2PM today, 1,240 clients regionwide have so far received their educational assistance from DSWD, with a total amount disbursed of Php 2.5 million. Of this served beneficiaries, 477 clients come from Leyte; 182 clients from Southern Leyte; 132 clients from Biliran; 203 clients from Samar; 166 clients from Northern Samar; and 80 clients from Eastern Samar. DSWD Eastern Visayas strongly reminds the public that only clients with appointment and priority numbers will be accepted in the payout venues for processing of the said cash aid.