DSWD Officials’ Early Morning Courtesy Call with Mayor Romualdez

DSWD Assistant Secretary for Specialized Programs Under Operations Group Florentino Loyola Jr., Assistant Secretary for Visayas Affairs Ma. Evelyn B. Macapobre, 4Ps National Program Manager Gemma B. Gabuya together with DSWD FO8 Regional Director Grace Q. Subong, and 4Ps Management Division Chief Paula B. Unay had an early morning courtesy call today with Tacloban City Mayor Alfred Romualdez and officials at the Tacloban City Hall. Among the topics discussed during the said event were the continuous coordination and convergence of DSWD’s programs and services to LGUs, strengthening of partnerships, and disaster preparedness. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

PUGAY TAGUMPAY CEREMONY

TODAY, the Department of Social Welfare and Development Eastern Visayas, through the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), holds a Pugay Tagumpay ceremony as a way of celebrating the gains and success of 1,843 household beneficiaries from Tacloban City in reaching the self-sufficient level of well-being. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

DSWD Otso Nagsagawa ng Consultation Dialogue Kasama ang mga 4Ps Parent Leaders

Nagsagawa ng Consultation Dialogue ang DSWD Field Office VIII kasama ang 150 Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) parent leaders at representatives ng Samahan ng Nagkakaisang Pantawid Pamilya (SNPP) mula Leyte at Samar ngayong araw sa The Oriental Hotel, Palo, Leyte. Sa nasabing konsultasyon napag-usapan ang mga pinaka-importanteng paksa tungkol sa implementasyon ng 4Ps kabilang na ang identification o pagkilala sa mga Listahanan Non-poor, mga isinasagawang validations at ang Exiting Households. Layunin ng pagtitipon na ito na magtulungan ang lahat, maging aktibo, may alam at pag-unawa tungkol sa 4Ps at polisiya nito; at mapaghusay ang paggawa ng bawat desisyon para sa programa at sa kinabukasan ng mga bata at pamilyang sinusuportahan ng 4Ps. Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga opisyales ng DSWD mula sa national at regional offices kasama na si DSWD Assistant Secretaries Florentino Loyola Jr. and Ma. Evelyn B. Macapobre, 4Ps National Program Manager Gemma B. Gabuya, Regional Director Grace Q. Subong, Assistant Regional Director for Operations Natividad G. Sequito, and 4Ps Management Division Chief Paula B. Unay. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

PAUNAWA TUNGKOL SA EDUCATIONAL ASSISTANCE- ASSISTANCE TO INDIVIDUALS IN CRISIS SITUATIONS (AICS)

PAUNAWA Pansamantala naming isinasara ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa AICS Educational Assistance sa pamamagitan ng email. Ito ay upang mabigyang daan ang masusing pag-review at maiwasan ang duplikasyon ng pamamahagi ng tulong-pinansyal. Samantala, para sa mga nakapagsumite ng kanilang aplikasyon, antabayanan ang notification mula sa aming opisina. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa aming official page DSWD Eastern Visayas. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

PAUNAWA TUNGKOL SA EDUCATIONAL ASSISTANCE- ASSISTANCE TO INDIVIDUALS IN CRISIS SITUATIONS (AICS)

PAUNAWA Educational Assistance-Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Kasalukuyan pang ino-organisa ang mga bagong detalye para sa mas sistematikong pagproseso ng AICS Educational Assistance. Hinihikayat namin ang publiko na antabayanan ang mga opisyal na ANUNSYO dito sa DSWD Eastern Visayas FB Page bago magtungo sa mga opisina ng DSWD sa inyong probinsya o munisipyo. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

UPDATE: EDUCATIONAL ASSISTANCE SA DSWD FIELD OFFICE VIII

Nagpapasalamat ang pamunuan ng ahensiya sa Philippine Information Agency Eastern Visayas at mga local media na katuwang ng DSWD sa pagpapalaganap ng impormasyon sa ating mga kababayan sa iba’t ibang sulok ng rehiyon. Malaking papel ang ginampanan ng media sa maayos at matiwasay na unang Sabado ng pagproseso ng AICS educational assistance. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

Update: Educational Assistance sa DSWD Field Office VIII

Nasa 2,210 kliyente sa buong rehiyon ang nakatanggap ng DSWD AICS-educational assistance sa unang Sabado ng pagproseso nito. 448 kliyente nito ay mula sa Leyte; 141 sa Biliran; 368 sa Southern Leyte; 635 sa Samar; 408 sa Northern Samar; at 210 sa Eastern Samar. Ito ay katumbas sa Php 6.2 million kabuoang pinansiyal na ayuda. Ang Educational Assistance ay pagbibigay ng pinansyal na ayuda sa ilalim ng ASSISTANCE TO INDIVIDUALS IN CRISIS SITUATIONS (AICS) ng kagawaran. Ito ay para sa mga STUDENTS-IN-CRISIS na maaari nilang magamit sa kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral tulad ng mga school fees, school supplies, projects, allowance, at iba pang mga bayarin. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD