Senior highschool si Jeric ngayong pasukan. Batid niya ang hirap na walang ibang kamag-anak na pwedeng umalalay sa kanyang mga kakailanganin sa darating na pasukan. Siya ay taga-Tacloban City at nasawi sa Super Typhoon Yolanda ang kanyang mga magulang taong 2013. Ang lola niyang senior citizen na lamang ang nag-aalaga sa kanya. Dahil sa katandaan nito, hindi na din kayang matustusan ang pangangailangan ni Jeric. Kung kaya’t malaki ang pasasalamat ni Jeric sa DSWD sa natanggap na AICS-Educational Assistance at para sa pag-alalay sa katulad niyang walang wala rin sa buhay. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
UPDATE: EDUCATIONAL ASSISTANCE SA DSWD FIELD OFFICE VIII
Sa ngayon, tinatayang nasa 456 kliyente na ang nakatanggap ng educational assistance mula sa regional office at sa mga sub-field offices sa iba’t ibang probinsya sa rehiyon. Patuloy pa rin ang tanggapan ng DSWD sa pagproseso ng assistance ng mga kliyente ngayong araw ngunit, hinihikayat na magsumite nalamang ng dokumento sa inquiry.fo8@dswd.gov.ph para ito ay mareview at maschedule ng DSWD ang pagproseso ng educational assistance sa mga susunod na limang (5) sabado. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
Update: Educational Assistance sa DSWD Field Office VIII
Iwasan ang mahabang pila. Maaaring magsumite ng mga requirements sa inquiry.fo8@dswd.gov.ph para mareview ang mga dokumento at maschedule ng DSWD ang inyong pagtanggap ng educational assistance. Ano ang mga REQUIREMENTS? a. orihinal na kopya at 1 photocopy ng anuman sa baba na nagpapatibay na enrolled ang studyante. • Certificate of enrolment; or • Certificate of registration;or • school ID ng mag-aaral; or • statement of account mula eskwelahan b. 2 photocopies ng valid I.D ng parents o guardians (kung menor de edad ang benepisyaryo); or c. 1 orihinal o 1 photocopy ng valid I.D ng aplikante na hindi menor de edad #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
Update: Educational Assistance sa DSWD Field Office VIII
Kasalukuyang nasa 104 kliyente na mayroong student-in-crisis sa elementary, highschool at college ang nakatanggap ng educational assistance sa DSWD Field Office VIII, Candahug, Palo Leyte. Pagkatapos mabigyan ng priority number ang kliyente ay didiretso sila sa nakahandang desk kung saan i-assess ng social worker ang kanilang eligibility kasama na ang maayos na pagsuri sa mga dala nilang dokumento. Matapos ang masusing assessment ay susundan ito ng pagproseso o pag-release ng assistance.
Maayos na Isinasagawa ang Unang Sabado ng Pagtanggap ng mga Kliyente at Pagproseso ng Educational Assistance sa Ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD sa Sub-field office (SFO) sa Maasin, Southern Leyte
LOOK: Maayos na isinasagawa ang unang sabado ng pagtanggap ng mga kliyente at pagproseso ng educational assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD sa sub-field office (SFO) sa Maasin, Southern Leyte. Bago magsimula ang pagproseso ng assistance ay nagkaroon muna ng orientation si SFO team leader Riza Basalio sa mga kliyente at pinaalalahan ang lahat na sumunod sa health protocols. Pinapaalalahanan naman ng tanggapan na dalhin ang mga kumpletong dokumento at pumunta sa regional office at sub-field offices ng bawat probinsya sa mga sumusunod na address: Tacloban at probinsya ng Leyte: DSWD Field Office VIII building, Government Center, Candahug, Palo Leyte Biliran: Castin St., Brgy. Santissimo Rosario, Naval, Biliran Southern Leyte: Brgy Tagnipa Poblacion, Maasin City Samar: Brgy. San Policarpo, Calbayog City, Samar Brgy. 13, San Francisco St., Catbalogan City, Samar Eastern Samar: 2nd Flr., Chinabank Building, Brgy. Balud, Borongan City, Eastern Samar Northern Samar: Sitio Macopa, Brgy. Macagtas, Catarman, Northern Samar. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
Nagsimula nang Tumanggap ang Tanggapan ng DSWD Eastern Visayas ng mga kliyente ng Assistance to Individuals In Crisis Situations (AICS)- Educational Assistance
UPDATE: Nagsimula nang tumanggap ang tanggapan ng DSWD Eastern Visayas ng mga kliyente ng Assistance to Individuals In Crisis Situations (AICS)- Educational Assistance. Sa kasalukuyan ay nasa 251 kliyente na ang nabigyan ng priority numbers sa DSWD Field Office VIII building, Candahug, Government Center, Palo Leyte. Gayunpaman, nagsisimula na rin ang pagtanggap ng kliyente ng mga sub-field offices sa iba’t ibang probinsya ng rehiyon. Mariing pinapaalalahanan naman ng tanggapan na sundin pa rin ang minimum health protocols habang nasa pila. Hinihikayat rin ng pamunuan ang publiko na iwasang dalhin ang kanilang mga anak na bata sa venue bagkus ay magdala na lamang ng tubig, biscuit, o anumang maaring inumin at kainin habang naghihintay sa pila. Ngayong araw, Agosto 20, ang unang Sabado nang pagproseso ng educational assistance. Ito ay magpapatuloy sa mga sumusunod na petsa; Agosto 27, Sityembre 3, 10, 17 at 24. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
MGA DAPAT MALAMAN UKOL SA EDUCATIONAL ASSISTANCE
MGA DAPAT MALAMAN UKOL SA EDUCATIONAL ASSISTANCE: 1. Ano ang EDUCATIONAL ASSISTANCE? Ito ay pagbibigay ng pinansyal na ayuda sa ilalim ng ASSISTANCE TO INDIVIDUALS IN CRISIS SITUATIONS (AICS). Ito ay para sa mga STUDENTS-IN-CRISIS na maaari nilang magamit sa kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral tulad ng mga school fees, school supplies, projects, allowance, at iba pang mga bayarin. 2. Sino-sino ang pwedeng mag-avail ng educational assistance? STUDENT-IN-CRISIS- ito ang mga estudyante na kasalukuyang nakararanas ng krisis na maaring kabilang sa mga sumusunod na sector: • biktima ng kalamidad o sakuna • biktima ng pang aabuso • Biktima ng mga paglilikas o krisis dulot ng giyera o kaguluhan • Anak ng solo parent • Anak ng mga distressed OVERSEAS FILIPINO WORKERS • Anak na ang mga magulang ay walang hanapbuhay o pinagkakakitaan • Anak ng may kapansanan • May mga magulang na may HIV 3. Ano ang mga REQUIREMENTS na dadalhin? a. orihinal na kopya at 1 photocopy ng anuman sa baba na nagpapatibay na enrolled ang studyante. • Certificate of enrolment; or • Certificate of registration;or • school ID ng mag-aaral; or • statement of account mula eskwelahan b. 2 photocopies ng valid I.D ng parents o guardians (kung menor de edad ang benepisyaryo); or c. 1 orihinal o 1 photocopy ng valid I.D ng aplikante na hindi menor de edad 4. PAANO ANG PAG-AVAIL NG ASSISTANCE? a. Mag-uumpisa ang pag-proseso ng educational assistance bukas, Agosto 20,2022 sa ganap na alas 8:00 ng umaga. Ito ay ipagpapatuloy sa sumusunod na mga petsa: August 27, September 3, 10, 17 at 24. b. Dalhin ang mga kumpletong dokumento at magtungo sa regional office at sub-field offices ng bawat probinsya sa mga sumusunod na address: • Tacloban at probinsya ng Leyte: DSWD Field Office VIII building, Government Center, Candahug, Leyte • Biliran: Castin St., Brgy. Santissimo Rosario, Naval, Biliran • Southern Leyte: Brgy Tagnipa Poblacion, Maasin City • Samar: Brgy. San Policarpo, Calbayog City, Samar Brgy. 13, San Francisco St., Catbalogan City, Samar • Eastern Samar: 2nd Flr., Chinabank Building, Brgy. Balud, Borongan City, Eastern • Northern Samar: Sitio Macopa, Brgy. Macagtas, Catarman, Northern Samar c. Dadaan sa assessment ng social worker ng opisina kung dapat na makatanggap ng assistance ang aplikante batay sa nakasaad na criteria. d. Maaari ring magsumite ng requirements sa email inquiry.fo8@dswd.gov.ph para ma-review ang dokumento at ma-schedule ng DSWD ang iyong pagtanggap ng educational assistance. ______________________________________________________________________ PAALALA: Pina-aalalahanan ang lahat na may karampatang kaparusuhan sa sinumang mapapatunayang lumabag sa mga panuntunan ng Educational Assistance tulad ng pagsumite ng pekeng dokumento o pekeng personalidad o di kaya’y kumuha ng educational assistance ng higit sa nararapat. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD