Pormal nang naipasa ang proyektong 102 linear meter sea wall na natapos sa ilalim ng DSWD Kalahi-CIDSS sa Barangay Poblacion, Llorente Eastern Samar

Ang proyektong 102 linear meter sea wall na natapos sa ilalim ng DSWD Kalahi-CIDSS sa Barangay Poblacion, Llorente Eastern Samar ay pormal nang naipasa ang pangangalaga nito sa lokal na pamunuan at ng komunidad sa ginanap na turnover ceremony kahapon, Hunyo 17, 2021.

Umabot sa Php 6.8 Million ang pondo ng proyekto sa ilalim ng DSWD Kalahi-CIDSS.

Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng DSWD representatives sa panguguna nina Visayas Cluster Monitor … Click here to read more...

Community volunteer sa Kalahi-CIDSS, aktibo sa kabila ng kawalan ng diploma

Kailanman ay hindi naging hadlang para kay William Brenzuela ang kawalan ng diploma upang limitahan ang sariling kakayanang makatulong sa kanilang komunidad.

Sa kagustuhang makatulong ni William, naging aktibong siya sa mga boluntaryong gawain sa barangay kabilang na ang pagiging community volunteer sa ilalim ng KALAHI-CIDSS.

Limang taon na siyang volunteer ng programa sa bayan ng Barangay Poblacion, Biri, Northern Samar. Para sa kanya ay nahubog ng DSWD Kalahi-CIDSS ang … Click here to read more...

DSWD Eastern Visayas kasalukuyang nagsasagawa ng Social Pension payouts

Tinatayang umabot na sa 16,525 benepisyaryo mula sa target na 276,807 beneficiaries o mahihirap ng senior citizens ang naabutan ng pinansyal na tulong, sa ilalim ng Social Pension, para sa taong 2021.

Dagdag nito, 242,003 benepisyaryo para sa taong 2019, at 220,823 benepisyaryo para sa taong 2020 ang nakatanggap na ng kanilang ayuda.

Ipinaliliwanag ng DSWD na pare-pareho lamang ang bilang ng target beneficiaries mula 2019 hanggang 2021, maliban sa … Click here to read more...

DSWD Nag-release ng 2,000 FFPs para sa COVID19 Response ng Tacloban City

Bilang suporta ng DSWD FO8 sa isinasagawang relief operations ng Tacloban City para sa mga lugar na isinasailalim sa granular lockdown, nag-release kamakailan ang ahensya ng 2,000 FFPs matapos mag-request ang Local Government Unit ng siyudad.

Ang umiiral na granular lockdown sa ilang mga barangay ay bunsod ng pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa COVID19 kamakailan. Ayon sa lokal na pamahalaan ito ay upang masiguro na mahinto ang pagkalat … Click here to read more...

DSWD Region 8 Namahagi ng P3,000 AICS sa RCSP sa Eastern Samar

Aktibong nakibahagi ang DSWD Eastern Visayas sa idinaos na Retooled Community Support Program (RCSP) sa Llorente, Eastern Samar. Sa pangunguna ng Sub-field Office Team Leader Edison Cinco, namahagi ang DSWD ng P3,000 na ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) sa 327 na pamilya mula sa Brgy. Candoros, Brgy. Magtino at Brgy. Burak.

Sa pakikipagtulungan ng Office of the president, nakapamahagi ang DSWD ng P981,000.00 sa … Click here to read more...

DSWD E.VISAYAS PATULOY ANG PAMAMAHAGI NG SOCIAL PENSION GRANTS SA MGA MAHIHIRAP NA SENIOR CITIZENS

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Eastern Visayas, sa maigting na pakikipagtulungan sa mga Local Government Units (LGUs), ay patuloy ang pamamahagi ng social pension grants o ayuda para sa taong 2019, 2020, at 2021.

Noong nakaraang taon, sa pamamagitan sa pag-apruba at pagpapatupad ng Bayanihan 1 at 2, pinahintulutan ang DSWD Field Office VIII na maglipat ng pondo o transfer of funds sa 125 LGUs para sa … Click here to read more...

DSWD Family Food Packs na Ini-release para sa Dante, 100% na!

Kumpleto na ang bilang ng inilabas na mga Family Food Packs (FFPs) ng DSWD Eastern Visayas para sa relief operations ng bagyong Dante. Ito ay matapos kunin ng lokal na pamahalaan ng Biliran, Biliran ang natitirang FFPs na nakalaan para sa kanila.

Sa kabuuan, nag-release ang DSWD ng 2,444 na FFPs bilang pagresponde sa bagyo. Sa bilang na ito, 1,408 na FFPs ang ipinadala sa Biliran, at 1,036 sa Maasin … Click here to read more...