Sa ngayon, nasa 204 na mga kliyente na sa buong rehiyon ang nakatanggap ng educational assistance mula sa DSWD Field Office VIII. Patuloy pa rin ang pag proseso ng nasabing assistance sa mga kliyente na naka schedule ngayong araw. Ito ang ikalawang Sabado ng pamimigay ng Educational Assistance para sa mga studyante na kabilang sa crisis situations. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
EDUCATIONAL ASSISTANCE: SITWASYON NGAYON
SITWASYON NGAYON: Maigting ang koordinasyon ng ahensya sa Philippine National Police (PNP), Traffic Operations, Management, Enforcement and Control Office (TOMECO), Kabalikan Civicom, Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Interior and Local Government (DILG) at provincial/city/municipal local government units para sa magpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa mga iba’t ibang payout sites ng AICS-Educational Assistance sa rehiyon. Mariin ding pinapaalala ng ahensya na sundin pa rin ang minimum health protocols habang nasa pila. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
EDUCATIONAL ASSISTANCE
Eksaktong alas 5:28 ng umaga, natanggap ng pinakaunang kliyente ang Educational Assistance sa ilalim ng AICS. Ngayon, Agosto 27, 2022 ang ikalawang Sabado ng pagproseso ng AICS Educational Assistance. Tanging may appointment at priority number lamang ang pinoproseso sa lahat ng sites sa buong rehiyon.
ADVISORY: AICS Educational Assistance
NO WALK IN clients shall be processed at all sites. Maraming salamat sa inyong malawak na pang-unawa. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
ADVISORY- AICS EDUCATIONAL ASSISTANCE
ADVISORY Bukas, Agosto 27, 2022, ang may appointment lamang mula sa DSWD FO8 at may priority number na galing sa DSWD SubField Offices ang ipo-proseso ng opisina. No walk-in clients shall be processed. Pina-paalalahanan po ang lahat ng nakatanggap ng appointment text message mula sa DSWD FO8 at ang mga may priority number kung sa DSWD SubField Offices na tiyaking dalhin ng KUMPLETO ang mga sumusunod na dokumento: 1. Isang (1) orihinal at isang (1) photocopy) – Certificate of Enrolment/Registration/school ID/ statement of account; 2. Orihinal at dalawang (2) photocopies ng valid I.D ng parents o guardians (kung menor de edad ang benepisyaryo) OR Orihinal at dalawang (2) photocopies ng valid ID ng estudyanteng aplikante kung nasa legal age na. Ang valid ID na isusumite ay dapat VALID na ang ibig sabihin, eto ay: ● Hindi expired. Kailangang valid pa sa araw ng pag apply ng Educational Assistance; Kung school ID, eto ay para sa School Year 2022-2023; ● Hindi peke; ● Mainam kung may lagda, maliban kung Philsys ID; ● Mainam kung may larawan Siguraduhin ding dalhin ang appointment text message na mula lamang sa DSWD FO8 at hindi sa anumang numero. Mag-iingat po tayo sa TEXT SCAMS. Hinihikayat din ang lahat na hindi na dalhin ang maliit na bata sa venue. Magdala ng pamaypay, maiinom at makakain habang tayo ay pumipila para sa pagproseso ng educational assistance. Mariin din po naming pinapaalala na sumunod tayo sa minimum health protocols na ipinapatupad upang maiwasan ang pagkalat ng virus katulad ng COVID-19. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
ADVISORY-AICS Educational Assistance
The ONLINE APPOINTMENT PORTAL for AICS Educational Assistance is currently offline to give way for the server maintenance. We will immediately update you once it is up and running. Maraming salamat po sa pang unawa.
PABATID SA PUBLIKO-SCHEDULE NG AICS EDUCATIONAL ASSISTANCE PAY-OUT
PABATID SA PUBLIKO Schedule ng AICS Educational Assistance Pay-out Ngayong Sabado, Agosto 27, 2022, magpapatuloy ang pagproseso ng AICS Educational Assistance sa iba’t ibang probinsiya sa rehiyon. Para sa probinsiya ng Leyte, ang mga makakatanggap ng appointment sa pamamagitan ng text message mula sa aming opisina ang ipoproseso ng ahensya. Ang mga mabibigyan ng appointment ay mga aplikante na pumila sa opisina ng DSWD Field Office VIII noong Sabado, August 20, 2022. Kung ikaw ay may appointment, tiyaking dalhin ng kumpleto ang mga sumusunod na dokumento: 1. Isang (1) orihinal at isang (1) photocopy) – Certificate of Enrolment/Registration/school ID/ statement of account 2. Orihinal at dalawang (2) photocopies ng valid I.D ng parents o guardians (kung menor de edad ang benepisyaryo) o Orihinal at dalawang (2) photocopies ng valid ID ng estudyanteng aplikante kung nasa legal age na Para naman sa mga nasa probinsya ng Biliran, Eastern Samar, Northern Samar, Samar at Southern Leyte, ang mga may reservation o priority number lamang ang tatanggapin. Mariin naming pinaaalalahanan na ANG MAY MGA APPOINTMENT lamang ang aming tatanggapin, ito ay para makapagbigay kami ng mas sistematikong paraan ng pagbibigay serbisyo. Hinihikayat din ng pamunuan ang publiko na iwasang dalhin ang kanilang mga anak na bata sa venue bagkus, magdala na lamang ng tubig, biscuit, o anumang maaring inumin at kainin habang naghihintay. Antabayanan ang aming susunod na anunsyo. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD