BP2 program: Kaagapay sa pagpataguyod ng bagong pag-asa para sa pamilya Salanguste

Mapanghamong buhay sa Manila

Batid ng ilaw ng tahanan na si Arnee Salanguste ang hirap ng magka-pandemya dahil tanging ang asawa nalang nitong si Pedro ang kumikita sa kanilang dalawa.  Bago pa man ang pandemya ay piniling mag-resign ni Arnee dahil sa iniinda nitong sakit sa ulo  dala ng kanyang trabaho bilang call center agent sa lungsod ng Quezon City.

Naiintindihan naman ni Pedro na kailangan ng kanyang asawa … Click here to read more...

DSWD Nagbalidasyon Para Sa mga Nasiraan ng Bahay Dahil sa Jolina

“Tuluyang nasira ang bahay namin dahil sa bagyong Jolina. Mahirap pa naman ngayon, kaunti lang kinikita ko, tapos pandemic pa. Sa ngayon, nakatira kaming lima sa bahay na pinagtagpi-tagpi ko. ”

Ito ang kwento ni Mang Domingo, isang drayber ng habal-habal mula sa Mercedes, Eastern Samar. Isa siya sa mga ininterview sa isinagawang balidasyon ng DSWD Eastern Visayas sa probinsya ng Eastern Samar.

Sa pangunguna ng Disaster Response Management Division … Click here to read more...

5,000 FFPs Augmentation mula sa VDRC, Dumating na sa DSWD Eastern Visayas

Dumating kamakailan ang 5,000 na Family Food Packs (FFPs) sa DSWD Eastern Visayas. Ipinadala ang mga FFPs na ito mula sa Visayas Disaster Resource Center (VDRC) ng DSWD Field Office VII bilang augmentation o tulong para sa Rehiyon. Dahil sa pagdating nitong dagdag na FFPs, mas lalong lumakas ang kakayahan ng DSWD na rumesponde sa mga sakuna na maaring dumating lalo na ngayong tag-ulan.

Sa kasalukuyan, may nakaimbak na 15,296 … Click here to read more...

DSWD Eastern Visayas Patuloy ang Preparasyon sa mga Sakuna

Patuloy ang paghahanda ng DSWD Eastern Visayas ng Family Food Packs (FFPs). Ito ay bahagi ng kahandaan ng ahensya mula sa mga sakuna na maaaring mangyari lalo na ngayong tag-ulan.  

Sa kasalukuyan, may nakaimbak na 10,444 na FFPs ang DSWD. Sa bilang na ito, 6,481 ang nasa Regional Resource Operations Section (RROS) na warehouse sa Palo, Leyte. Samantala, 3,665 na FFPs ang naka-preposition sa Northern Samar, 200 sa Eastern Samar … Click here to read more...

DSWD FO8 nag-turnover ng 207 na pabahay sa Hilongos

“Maraming salamat sa inyong lahat, at sa pakikipagtulungan ninyo, ng LGU at ng DSWD, naiturn-over din natin itong mga pabahay!” Ito ang mensahe ni DSWD Assistant Secretary Rodolfo Encabo sa isinagawang turnover ng Core Shelter Assistance Project (CSAP) sa Hilongos, Leyte. 207 na pabahay ang nai-turnover sa nasabing aktibidad, na dinaluhan ng DSWD, LGU at iba pang mga opisyal mula sa probinsya ng Leyte.

Ang CSAP ay isang proyekto ng … Click here to read more...

DSWD Release ng FFPs sa LGUs, Kumpleto na!

Kumpleto na ang pag-release ng DSWD Eastern Visayas ng Family Food Packs (FFPs) sa mga LGU na naapektuhan ng bagyong Jolina. Ito ay matapos na makapag-withdraw ng kani-kanilang alokasyon ang lahat ng mga LGU na nag-request ng relief items mula sa ahensya.

Sa pinakahuling tala, nakapag-release na ang DSWD Eastern Visayas ng 24,767 na FFPs. Nagkakahalaga ito nang P12,192,449. Kasama sa mga LGU na nag-request at nag-withdraw ang sumusunod:

2,500 … Click here to read more...

DSWD at LGUs Patuloy ang Pamamahagi ng FFPs para sa Bagyong Jolina

Dumadami ang mga pamilyang nakakatanggap ng Family Food Packs (FFPs) habang nagpapatuloy ang relief operations para sa bagyong Jolina. Sa pakikipagtulungan ng DSWD Eastern Samar Sub-Field Office (SFO) at ng mga Local Government Units, patuloy ang isinasagawang pamamahagi nitong mga FFPs.

Ayon sa ulat mula sa Eastern Samar SFO, patuloy ang pamamahagi ng FFPs sa Hernani, General Macarthur, at Mercedes, habang natapos na ang distribusyon sa Quinapondan, Salcedo at Maydolong. … Click here to read more...